July 21st, 2012

Sana…. Panaginip lang ang lahat…

Sa panaginip mo maakamit ang magagandang bagay na gusto mo at sa panaginip mo din pwedeng ipag-paliban o ipagpatuloy ang mga pangyayari… at tangin sa panaginip lang pwedeng mabura ang pinaka pangit na pangyayari.. wala kang ibang gagawin kung di mamili kung gigising ka na o itutuloy mo pa ang mahimbing mong tulog.

Pero kung aasa ka sa panaginip, paano mo haharapin ang katotohanan? Tama na sa pagtulog lamang ang panaginip dahil mas mahaba ang oras na gising ka at nakikita ng dalawang mata mo ang katotohanang minsay ayaw mong harapin at gusto mo na lang takasan.

Kung natatakasan mo ang panaginip.. hindi ba panahon na para harapin mo naman ang katotohanan?